MOOCH DAY AGAIN!!!
kami ay nagcelebrate ng aming anniv. na mukhang di naman nila narealize.. OCTOBER 10..
pero kahapon lang dahil exams.. ayun.. nagpunta kami ng SM North with
angeli as transpo.. as usual..first time nga ang tahimik namin sa
sasakyan..talagang gutom na gutom na kami.. pagdating sa guard

nako naman!!! 5pm pa daw pwede pumasok.. eh nakauniform kasi kami eh.. buti na lang at to the rescue si sir wes

(kuya larry-- tito ni angeli na kamuka ni wesley) ayun tapos chineck
muna namen ang time ng corpse bride bago kumain.. 2:40 pa
naman.. eh 1:20 pa lang nun.. so dumeretcho na kami sa food court dahil
talagang nahihilo na lahat kami sa gutom!

pagkatapos nanood na kami.. bumili muna kami ng tickets..

tapos
ang nakakahiyang part sila yeye, japax at angeli papasok sa ibang movie
house.. wahah.. tinanong pa sila kung ilang taon na sila.. yannn di
kasi nagbabasa!!!!!! tapos nung nandun na kami sa TAMA.. bumili si
efrel ng isang malaking popcorn para sa aming lahat at isang malaking
iced tea

..
si angeli rin pala.. tapos.. tawa lang ako ng tawa sa palabas dahil
nakakatawa malamang.. hinde.. hinde pala masyadong nakakatawa..
nakakahanap lang ako ng tatawanan.. tapos after ng movie.. dapat
magbobowling pero di natuloy.. so nag-arcade nalang.. nagbasketball
kami at ang pinakamatagal kong kapartner si yeye.. wohoo!!

tapos
naadik naman sila sa paghuhulog ng piso tapos makakakuha ng ticket..
basta ganun.. tapos ang dami naming nakolekta.. sa sobrang adik nila
ang nagpapapalit pa sila ng P20 tigpipiso.. grabe

tapos uwian na.. pero bumili muna si ikai at efrel ng zagu.. tapos si
efrel bumili nanaman ng malaki para saming lahat.. yehessssss.. tapos
binigyan pa kami ng pangcommute.. go daddy!! wahaha.. tawang-tawa kami
ni japax sa tric. nun.. parang daddy eh! tapos ayun.. masaya naman..
Chatboard (0)